October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kathryn Bernardo, inintrigang nagparetoke

Kathryn Bernardo, inintrigang nagparetoke
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

How true ang paratang ng mga netizen na nagparetoke raw ng mukha si Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo?

Sa latest episode ng Showbiz Updates kamakailan, pinag-usapan nina showbiz insider Ogie Diaz ang mga komento ng netizen matapos nilang mapuna ang tila pagbabago sa mukha ni Kathryn sa Century Tuna Superbods 2024 competition.

“Aba’y napagkamalan pang nagpa-buccal fat removal. ‘Yong bandang lower ng cheeks niya nagpaano raw ba siya kasi kitang-kita ‘yong jaw line niya. Sumulpot ‘yong panga niya,” lahad ni Ogie.

‘Yong iba nagsasabi pa na sana ‘di niya pinagawa ‘yan. Mga ganyan-ganyan. Dahil nga raw pagsisisihan daw niya. Ano ba ‘yan,” wika niya.

Tsika at Intriga

Barbie Imperial, banas sa pages na nega na nga, sinungaling pa!

Pero salag ng showbiz insider: “Hayaan n’yo na. Para rin naman sa kaniya ‘yon. Kung totoo man, ha. Pero ‘yon ay tanong lang naman nila. Pero kung totoo man, sino naman tayo para kumwestiyon? Katawan naman ni Kathryn ‘yon, mukha naman ni Kathryn ‘yon, hindi ba?”

Matatandaang pinag-usapan kamakailan si Kathryn dahil sa mainit niya umanong performance on stage sa naturang event.

MAKI-BALITA: 'Ano na Daniel Padilla?' Kathryn Bernardo, nagpainit sa 'Superbods 2024'