August 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

John Estrada, trending sa X; sigaw ng netizens, 'wag isabuhay si Riggghhhooouuurrr!

John Estrada, trending sa X; sigaw ng netizens, 'wag isabuhay si Riggghhhooouuurrr!
Photo courtesy: John Estrada (IG)/ABS-CBN Entertainment (YouTube)

Trending sa X ang pangalan ng "FPJ's Batang Quiapo" actor na si John Estrada dahil sa naging pagbubunyag daw ng mismong misis na si Priscilla Meirelles sa pangalan ng babaeng kasama niya sa Boracay.

Photo courtesy: Screenshot from X via Richard de Leon/Balita

Nag-post kasi si John ng kaniyang mga larawan habang nakabakasyon sa isang resort sa Boracay. Makikitang sa mga larawan ay mag-isa lamang ang aktor at walang kasama, maliban sa kumuha ng larawan sa kaniya.

"What an awesome place

HENANN GARDEN BORACAY ," mababasa sa caption ng post.

Tsika at Intriga

Caloy walang treat sa pamilya, 'di raw kawalan! Madir, biglang endorser na ng spa?

Isang netizen naman ang pabirong nagtanong kung sino ang kasama niya sa Boracay: kung si Lena ba o si Maritess.

Sina Lena at Maritess ay dalawang babae sa buhay ni Rigor, ang karakter ni John sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo."

Ang ikinagulat ng mga netizen, sa komento ng misis ni John na si Priscilla na "si @Lily Hallman_ (emoji)."

Dagdag pa ni Priscilla na lalong ikinaintriga ng mga netizen, "Looking very divorced Mr. Estrada @Lily Hallman_."

MAKI-BALITA: Babaeng 'kasama' raw ni John Estrada sa Boracay, pinangalanan ng misis

Samantala, sa kaniyang Live, isang netizen ang nang-urirat tungkol dito.

Published as is, "Idol May new nnmn ba si John grabeee nmn Npk ganda mo na pra maghanap p ng iba."

Binasa ito ni Priscilla at sinagot, "Hay naku po, gano'n talaga ang buhay, eh wala naman eh... gano'n talaga..."

MAKI-BALITA: Priscilla, sinagot nang-usisa kung 'may new na naman' mister na si John

Kaya naman, panawagan ng mga netizen ay huwag masyadong isabuhay ni John ang kaniyang karakter na "Rigor" sa serye.

Sa serye kasi, ibinahay na rin niya ang kabet na si Lena played by Mercedes Cabral, kasama ang legal wife na si Maritess na ginagampanan naman ni Cherry Pie Picache.

Narito ang ilan sa mga X post o tweets ng netizens.

"Eto naman si John Estrada nakalimutan ata na sa teleserye lang siya may kabet at hindi dapat sa totoong buhay hahahaha"

"Tindi din ni john estrada very rigour in real life tlga hahahaha tpos ginalingan din ni lily hallman walang picture in public professional na kabet "

"Pero once a cheater always a cheater hindi na magbabago yang si John Estrada. Kasi magaganda naman mga naging asawa niyan pero lagi niyang niloloko."

"True to life pala yong character ni John Estrada bilang Rigor na babaero. Sorry Lena at Marites di kayo ang nagwagi."

Matatandaang hindi ito ang unang beses na naugnay si John sa ibang babae. Matatandaang "inexpose" din noong 2023 ni Priscilla ang Cebuana social media influencer na si Chiyo dela Vega na may kakatwang kumbersasyon daw kay John. 

MAKI-BALITA: ‘Nagbabagang tsaa!’ Cryptic posts ng misis ni John Estrada, usap-usapan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nilinaw naman ni Chiyo na wala raw "something" sa kanila ng aktor. 

Tila nagkaayos din naman ang mag-asawa at naayos ang kanilang marital problem. 

MAKI-BALITA: Priscilla Meirelles, inaming may marital problem sila ni John Estrada – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

MAKI-BALITA: ‘The design is very bumabawi’: Netizens, nag-react sa ‘love of my life’ post ni John Estrada kasama ang misis

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni John kaugnay sa isyu. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.