August 24, 2024

Home SHOWBIZ

Jericho, sumagot sa usisa ni Lotlot kay Janine kung sinong kasama niya

Jericho, sumagot sa usisa ni Lotlot kay Janine kung sinong kasama niya
Photo courtesy: GMA News and Public Affairs (IG) via Lotlot De Leon (IG)/Janine Gutierrez (TikTok)

Sumagot na ang "Lavender Fields" star na si Jericho Rosales sa tanong ng beteranang aktres na si Lotlot De Leon sa kaniyang anak na si Janine Gutierrez kung sino ang kasama nito sa nag-viral na TikTok video kamakailan.

MAKI-BALITA: Lotlot De Leon, inusisa gala ni Janine Gutierrez: 'Sino kasama mo?'

Matatandaang naintriga si Lotlot, kasama ng iba pang netizen, kung sino ang kasama ng anak habang namamasyal sa National Museum.

Marami naman ang nag-tag at nag-mention kay Echo.

BINI Aiah, pinuri magalang na pakikitungo ng mga tao sa BGC

Kaya naman, pabirong sumagot kay Lotlot ang aktor.

"Nag-door bell po ako para magpaalam pero hinabol ako ng aso eh," aniya.

Photo courtesy: Janine Gutierrez (TikTok) via Fashion Pulis

Sina Jericho at Janine ay nakatakdang magsama sa Lavender Fields kasama sina Jodi Sta. Maria, Jolina Magdangal, Edu Manzano, Albert Martinez, at Maricel Soriano.