August 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Babaeng 'kasama' raw ni John Estrada sa Boracay, pinangalanan ng misis

Babaeng 'kasama' raw ni John Estrada sa Boracay, pinangalanan ng misis
Photo courtesy: John Estrada (IG)/Priscilla Meirelles (IG)

Usap-usapan na naman sa social media ang misis ng aktor na si John Estrada na si Priscilla Meirelles matapos nitong pangalanan at i-tag pa sa Instagram post ang umano'y "kasamang" babae ng mister sa Boracay.

Nag-post kasi si John ng kaniyang mga larawan habang nakabakasyon sa isang resort sa Boracay. Makikitang sa mga larawan ay mag-isa lamang ang aktor at walang kasama, maliban sa kumuha ng larawan sa kaniya.

"What an awesome place

HENANN GARDEN BORACAY ," mababasa sa caption ng post.

Tsika at Intriga

'Pinilit ma-penetrate sa makipot na west point?' Post ni Ogie, nakakaintriga

Isang netizen naman ang pabirong nagtanong kung sino ang kasama niya sa Boracay: kung si Lena ba o si Maritess.

Sina Lena at Maritess ay dalawang babae sa buhay ni Rigor, ang karakter ni John sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo."

Ang ikinagulat ng mga netizen, sa komento ng misis ni John na si Priscilla na "si @Lily Hallman_ (emoji)."

Dagdag pa ni Priscilla na lalong ikinaintriga ng mga netizen, "Looking very divorced Mr. Estrada @Lily Hallman_."

Photo courtesy: John Estrada (IG) via The Scoop (FB)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, lalo na't hindi ito ang unang beses na sinita ni Priscilla ang mister sa social media pagdating sa mga nakakahalubilo nitong babae.

"Hala, true to life Lena ba yan?"

"Righouuuuuuerrrrrrrrrrrrr, may true to life Lena ba?"

"Sino na naman kaya ang babaeng ito?"

"Baka si Roda ang kasama?"

"Naku, mukhang may Lena talaga sa buhay ni John, nakakaloka..."

"Umariba na naman ang misis..."

Mapapansin naman na naka-off na ang comment section ng nabanggit na Instagram post habang isinusulat ang artikulong ito. Bukas ang Balita sa panig ng kampo ni John.