October 05, 2024

Home SPORTS

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Naglabas ng pahayag ang pamilya ng sumakabilang-buhay na sports analyst/journalist na si Chino Trinidad ngayong araw ng Linggo, Hulyo 14.

Sa ulat ng GMA News, kinumpirma ng kaniyang anak na si Florese Trinidad ang pagpanaw ng kaniyang ama nitong sabado ng gabi, Hulyo 13.

Hindi nagbigay ng anumang detalye ang anak sa dahilan ng pagpanaw ng ama.

Ngunit sa tribute Instagram post ni GMA news anchor Arnold Clavio, nasabi niyang ang ikinamatay ni Trinidad ay dahil sa massive heart attack habang nasa Newport Resorts World nitong gabi ng Hulyo 13.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

MAKI-BALITA: Arnold Clavio namaalam na kay Chino Trinidad, naibahagi ang dahilan ng pagpanaw

Sa opisyal na pahayag naman ng pamilya Trinidad, kinumpirma nila ang pagpanaw nito.

"Chino Trinidad, a passionate member of the media and sports community, has passed away last night, July 13, 2024."

"Known to many through his storytelling , he never stopped sharing the greatness of Filipinos."

"He was a loving husband and a supportive father. He will be truly missed," mababasa sa opisyal na pahayag ng pamilya, na ibinahagi ng ABS-CBN News.

Photo courtesy: Paige Javier of ABS-CBN News

Hindi naman tinukoy sa nabanggit na opisyal na pahayag ang dahilan ng ikinamatay ni Trinidad.

MAKI-BALITA: Batikang sports journo na si Chino Trinidad, pumanaw na