September 12, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Napatabi lang sa It's Showtime: Alden Richards, Kim Chiu umaa-Pau ang chemistry

Napatabi lang sa It's Showtime: Alden Richards, Kim Chiu umaa-Pau ang chemistry
Photo courtesy: Screenshots from It's Showtime (Kapamilya Online Live)

Usap-usapan ang muling pagbisita ni Kapuso star at Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa noontime show na "It's Showtime" nitong Sabado, Hulyo 13.

Pangalawang beses nang tumatapak si Alden sa noontime show na katapat ng "Eat Bulaga" kung saan naging mainstay host ang huli noong nasa GMA Network pa ito; na nagbigay-daan din sa pagsikat niya nang husto dahil sa phenomenal love team nila ni Maine Mendoza bilang "AlDub."

Pero dahil sa mga turn of events noong 2023, nasa TV5 na ang Eat Bulaga, naiwan si Alden sa GMA bilang contract artist at isa sa A-listers nila, at ang pinaka-plot twist, nasipa ang Showtime sa TV5 pero napunta naman sa GTV channel, hanggang sa pati na rin sa GMA matapos naman magbabu sa ere ang "Tahanang Pinakamasaya" ng TAPE, Inc.

Anyways, marami naman ang nakapansin sa chemistry nina Alden at It's Showtime host na si Kim Chiu nang magkatabi sila. Tinanong kasi ni Kimmy si Alden kung anong mensahe niya sa mga "inspirasyon" niya ngayon sa buhay, na kamakailan lamang ay nali-link kay Asia's Superstar Kathryn Bernardo.

Tsika at Intriga

Payo ni Valentine kay Chloe: 'Beh matuto ka gumalang sa mas nakakatanda sayo!'

Sa ngayon ay katambal ni Kim si Paulo Avelino matapos ang success ng kanilang mga proyekto gaya ng "Linlang" at "What's Wrong With Secretary Kim."

Sey ng mga netizen, puwede ring magkaroon ng proyekto together sina Alden at Kim, tutal naman, uso na ang kolaborasyon sa pagitan ng ABS-CBN at GMA.

"Ito 'yong chemistry na natural at hindi pilit!"

"Uy, why not Alden and Kim? Bagay sila hahaha."

"Abolish love teams! Subukan naman ang iba't ibang leading men and leading ladies. I'm rooting for Alden and Kim."

"Previous guesting pa ni Alden Richards ko napansin, may chemistry sina Alden and Kim Chiu. Sana i-push!"