September 12, 2024

Home SHOWBIZ

Makinig ka Kathryn! Alden, may mensahe sa 'inspirasyon' niya ngayon

Makinig ka Kathryn! Alden, may mensahe sa 'inspirasyon' niya ngayon

Usap-usapan ang muling pagbisita ni Kapuso star at Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa noontime show na "It's Showtime" nitong Sabado, Hulyo 13.

Pangalawang beses nang tumatapak si Alden sa noontime show na katapat ng "Eat Bulaga" kung saan naging mainstay host ang huli noong nasa GMA Network pa ito; na nagbigay-daan din sa pagsikat niya nang husto dahil sa phenomenal love team nila ni Maine Mendoza bilang "AlDub."

Pero dahil sa mga turn of events noong 2023, nasa TV5 na ang Eat Bulaga, naiwan si Alden sa GMA bilang contract artist at isa sa A-listers nila, at ang pinaka-plot twist, nasipa ang Showtime sa TV5 pero napunta naman sa GTV channel, hanggang sa pati na rin sa GMA matapos naman magbabu sa ere ang "Tahanang Pinakamasaya" ng TAPE, Inc.

Anyways, marami naman ang nakapansin sa chemistry nina Alden at It's Showtime host na si Kim Chiu nang magkatabi sila. Tinanong kasi ni Kimmy si Alden kung anong mensahe niya sa mga "inspirasyon" niya ngayon sa buhay, na kamakailan lamang ay nali-link kay Asia's Superstar Kathryn Bernardo.

Karina Bautista, PH navy reservist na

MAKI-BALITA: Napatabi lang sa It's Showtime: Alden Richards, Kim Chiu umaa-Pau ang chemistry

Sa ngayon ay katambal ni Kim si Paulo Avelino matapos ang success ng kanilang mga proyekto gaya ng "Linlang" at "What's Wrong With Secretary Kim."

Sey ng mga netizen, puwede ring magkaroon ng proyekto together sina Alden at Kim, tutal naman, uso na ang kolaborasyon sa pagitan ng ABS-CBN at GMA.

Pero si Alden, nali-link naman kay Kapamilya superstar Kathryn Bernardo na balik-tambalan sa pelikulang "Hello, Love, Again," ang sequel ng pangalawang highest-grossing Filipino movie of all time na "Hello, Love, Goodbye" matapos kabugin ng "Rewind."

Inusisa ni Kim si Alden kung anong mensahe niya para sa inspirasyon niya ngayon.

Sansala ni Kimmy, puwede namang kapamilya niya ang tinutukoy matapos mapansing pinagpapawisan si Alden sa hiyawan ng madlang people studio audience.

Ani Alden, ang kaniyang inspirasyon daw ang nagiging dahilan para magpatuloy siya sa mga ginagawa niya ngayon, na na-eenjoy naman niya.

"Sa mga nagbibigay ng inspirasyon sa akin, maraming-maraming salamat sa inyo dahil kayo ang bumubuhay sa aking ginagawa, at nag-eenjoy naman ako, at least para makita naman na proud sa akin 'yong mga taong ito," anang Alden.

Sinabi ni Alden na abalang-abala siya ngayon lalo na sa shooting ng kanilang pelikula ni Kathryn sa Canada. 

Bagama't hindi binanggit ni Alden si Kathryn, kinilig naman ang mga netizen dahil naniniwala silang isa si Kathryn sa mga pinatutungkulan nito.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen sa TikTok account ng ABS-CBN PR kung saan ibinahagi ang clips nito.

"Haha kinabahan mabuti si alden halatang sila na ni Kath. "

"Yes pinanood ko talaga ung hello love goodbye nila ni kath.. 2019"

"Si kathryn ba?"

"KathDen"