October 05, 2024

Home SPORTS

Huling post ni Chino Trinidad, binalikan ng netizens na nagulat sa pagpanaw niya

Huling post ni Chino Trinidad, binalikan ng netizens na nagulat sa pagpanaw niya
Photo courtesy: Manolo Chino Trinidad (FB)

Ikinagulat ng mga netizen ang lumabas na ulat tungkol sa pagpanaw ng batikang sports journalist at basketball analyst na si Manolo Chino Trinidad o mas kilala sa screen name na "Chino Trinidad."

Sa ulat ng GMA News, kinumpirma ng kaniyang anak na si Florese Trinidad ang pagpanaw ng kaniyang ama nitong sabado ng gabi, Hulyo 13.

Hindi naman nagbigay ng anumang detalye ang anak sa dahilan ng pagpanaw ng ama.

Bukod sa anak, nauna ring mag-post tungkol dito ang online music streamer ng Pinoy Rock Radio Online na si Paulo Legaspi.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

"REST IN PARADISE Sir Manolo Chino Trinidad ...." mababasa sa kaniyang tribute post.

Binisita ng mga netizen ang Facebook account ni Chino dahil hindi naman napaulat na nagkasakit o na-ospital ang sports analyst.

In fact, sa kaniyang huling post noong Hulyo 12 ay makikitang tila masigla pa si Chino kasama si Coach Nemie Villegas.

""PROVERBS 24 | Do not make friends with a hot-tempered person, do not associate with one easily angered.

Coach Nemie Villegas is one who offers a smile wherever and whenever you see him.

But don’t let that demeanor fool you.

He knows his game. And he knows the true measure of a person.

Salamat Coach Nemie for a hearty brunch," aniya.

Sa comment section ay nagpaabot naman ng pakikiramay at pagkabigla ang kaniyang Facebook friends at followers.

PROVERBS 24 | Do not make friends with a... - Manolo Chino Trinidad | Facebook

Pakikiramay sa buong pamilya ni Chino. 

MAKI-BALITA: Batikang sports journo na si Chino Trinidad, pumanaw na