August 24, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Fans, nanawagang i-remake ng JoshLia ang pelikulang 'Dahil Mahal Na Mahal Kita'

Fans, nanawagang i-remake ng JoshLia ang pelikulang 'Dahil Mahal Na Mahal Kita'
Photo Courtesy: Screenshots from Star Cinema (IG), Cinema One (FB)

Tila marami ang nakakapansin sa pagkakahawig ng ex-celebrity couple na sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa matunog ding love team noong ‘90s na sina Rico Yan at Claudine Barretto.

Sa latest Instagram reels kasi ng Star Cinema nitong Sabado, Hulyo 13, ibinahagi nila ang remake version nina Joshua at Julia ng eksena nina Rico at Claudine mula sa pelikulang “Dahil Mahal Na Mahal Kita.” 

Umani tuloy ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Petition to pease give them a chance to remake Dahil Mahal na Mahal kita "

Pelikula

Pelikulang 'Dear Satan' ni Paolo Contis, papalitan ng titulo

"BAGAY NA BAGAY TALAGA SA KANILA YUNG AUDIO!! "

"Huhu plss remake Claudine and Rico movies "

"Ano ba kayo...For the Movie Sake lang yan."

"#JoshLia Remake Dahil mahal na mahal kita #rycbforever"

"Iba tlga chemistry ng dalawang eto grabe"

"Remake remake!! #dahilmahalnamahalkita"

"JOSHLIA x RYCB!!!"

Matatandaang kamakailan ay nag-trending ang pangalan ni Rico sa iba’t ibang social media platforms matapos magsulputan ang mga luma niyang picture at video.

MAKI-BALITA: Patay na patay sa patay? Rico Yan kino-content, patahimikin na raw

Tila hindi naman ito nagustuhan ng ilang netizen kaya nanawagan silang patahimikin na ang kaluluwa ng namayapang aktor lalo na nang umabot sa puntong dinadayo na ang puntod nito na tila isang tourist spot.

MAKI-BALITA: Puntod ni Rico Yan, ginawang tourist spot

Pero para sa kapatid ni Rico na si Bobby Yan, wala naman daw silang nakikitang problema sa ginagawang ito ng mga tao.