September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress
Photo Courtesy: Diana Zubiri (IG), Screenshot from Bernadette Sembrano (YT)

Pinagsisihan nga ba ni Diana Zubiri na nagsimula at nakilala siya sa showbiz industry bilang isang sexy actress dahil sa kaniyang mature roles sa maraming pelikula?

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano nitong Sabado, Hulyo 13, sinagot ni Diana ang naturang tanong matapos nilang pag-usapan kung paano siya nagsimula sa showbiz.

“Did it make you regret your first decision before ‘Encantadia?’ Ngayon ba ‘pag iisipin mo gagawin mo pa rin ba ‘yong pagbo-bold mo?” tanong ni Bernadette.

“Honestly, ate, syempre no’ng time na inisip ko kung gagawin ko ‘yong pagpapa-sexy inisip ko talaga: ‘mayro’n ba akong mararating? Kung hindi rin naman ‘to gagawin, ano na ‘yong opportunities [na darating]?’” saad ni Diana.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“So now na naging maganda naman ‘yong buhay ko because of that, I can say na no regrets. Hindi ko siya pagsisisihan,” dugtong niya.

In fact, ayon pa kay Diana, pwede pa raw siya ulit magpa-sexy dahil galing na raw siya sa gano’ng mundo. 

Samantala, sa isang bahagi ng panayam, ibinahagi ng aktres kung ano ang naging turning point ng kaniyang career biang artista.

MAKI-BALITA: Diana Zubiri, binago ng 'Encantadia' ang showbiz career