September 19, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Diana Zubiri, binago ng 'Encantadia' ang showbiz career

Diana Zubiri, binago ng 'Encantadia' ang showbiz career
Photo Courtesy: Screenshots from Bernadette Sembrano (YT)

Inamin ng dating sexy actress na si Diana Zubiri na ang fantasy series daw ng GMA na “Encantadia” ang nagsilbing turning point ng career niya sa showbiz.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano nitong Sabado, Hulyo 13, sinabi niya ang naramdaman niya nang mapabilang siya sa cast ng nasabing serye.

“Doon ko naramdaman na tinitilian, may fans, may mga sumusunod sa ‘yo, to follow you. Autograph. Pictures. Ito ‘yong pagiging artista na gusto ko before,” saad ni Diana.

Gayunman, hindi raw pinagsisisihan ni Diana na nagsimula siya bilang sexy actress dahil hindi naman daw niya maaabot ang anomang tagumpay niya ngayon kung hindi rin dahil dito.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

“I can say na no regrets,” aniya.

Matatandaang sa isang hiwlaya na panayam noong Nobyembre 2023 ay ibinahagi ni Diana ang mga hirap at pagkabigong hinarap niya bago makapasok sa mundo ng showbiz.

MAKI-BALITA: Diana Zubiri, 10 beses na-reject sa Star Circle