October 05, 2024

Home SHOWBIZ

'Crossover ng BQ at PS?' Piolo, Coco magsasama sa isang proyekto

'Crossover ng BQ at PS?' Piolo, Coco magsasama sa isang proyekto
Photo Courtesy: Dreamscape Entertainment (IG)

Tila may bagong aabangan ang fans sa dalawang bigating aktor ng ABS-CBN na sina Piolo Pascual at Coco Martin.

Sa isang Instagram post kasi ng Dreamscape Entertainment kamakailan, ibinahagi nila ang larawan nina Piolo at Coco nang magkasama.

“The Ultimate Leading Man and The Primetime King in one frame! Abangan! ” caption pa nila.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

"Naku, sana naman may kasamang Juday naman diyan! ABS-CBN and Dreamscape pakiusap naman reunion project naman ni Piolo at Juday, please! That is something really worth doing and waiting for!"

"Siguro sya yung tatay ni Pablo"

"Hello mga idols miss you na "

"Crossover episode(s) parang grey’s anatomy and station 19."

"ilalabas na ata yung anak ni roda kay tindeng???"

"A crossover soon "

"Cross over ng BQ at PS? "

"Parehas silang may lowkey na relationship si coco kay Julia si Piolo kay shaina naman"

"Teleserye for 2025 please"

Matatandaang si Coco ang bumibida sa patok na “FPJ’s Batang Quiapo” samantalang si Piolo naman ay ginagampanan ang karakter ni “Governor Rafael Sagrado” sa “Pamilya Sagrado.”