December 23, 2024

Home SPORTS

Batikang sports journo na si Chino Trinidad, pumanaw na

Batikang sports journo na si Chino Trinidad, pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang dating GMA Network sports analyst na si Chino Trinidad sa gulang na 56.

Sa ulat ng GMA News, kinumpirma ng kaniyang anak na si Floresse Trinidad ang pagpanaw ng kaniyang ama nitong Sabado ng gabi, Hulyo 13.

Hindi nagbigay ng anumang detalye ang anak sa dahilan ng pagpanaw ng ama.

Bukod sa anak, nauna ring mag-post tungkol dito ang online music streamer ng Pinoy Rock Radio Online na si Paulo Legaspi.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"REST IN PARADISE Sir Manolo Chino Trinidad ...." mababasa sa kaniyang tribute post.

REST IN PARADISE Sir Manolo Chino Trinidad .... - Paulo Tamayo Legaspi | Facebook

Bago ang pagpanaw ay nakapag-post pa siya sa kaniyang Facebook account noong Hulyo 12 kasama si Coach Nemie Villegas.

"PROVERBS 24 | Do not make friends with a hot-tempered person, do not associate with one easily angered.

Coach Nemie Villegas is one who offers a smile wherever and whenever you see him.

But don’t let that demeanor fool you.

He knows his game. And he knows the true measure of a person.

Salamat Coach Nemie for a hearty brunch," aniya. 

PROVERBS 24 | Do not make friends with a... - Manolo Chino Trinidad | Facebook

Pakikiramay sa pamilya ni Chino!