October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Arnold Clavio namaalam na kay Chino Trinidad, naibahagi ang dahilan ng pagpanaw

Arnold Clavio namaalam na kay Chino Trinidad, naibahagi ang dahilan ng pagpanaw
Photo courtesy: Manolo Chino Trinidad (FB)/Arnold Clavio (IG)

Ibinahagi ng Kapuso news anchor na si Arnold Clavio ang huling screenshot ng pag-uusap nila ng yumaong dating GMA Network sports analyst Chino Trinidad.

Sa Instagram post ni Clavio nitong Linggo, Hulyo 14, ibinahagi niya ang pangungumusta sa kaniya ni Trinidad nang maratay siya sa ospital dahil sa hemorrhagic stroke, na na-survive naman niya.

Naibahagi rin ni Clavio ang dahilan ng pagkamatay ng dating kasamahan sa GMA News Department. Bahagi rin ng post ang pormal niyang pamamaalam sa kaibigan.

Sinabi rin ni Clavio na ikumusta sila ni Trinidad sa yumaong GMA news anchor na si Mike Enriquez.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

"Wala na Chino Trinidad .

Ayon sa ilang kaibigan , mga alas-11 kagabi sa Newport Resorts World, nag collapse si Chino . Dinala siya sa San Juan De Dios, massive heart attack na . May scheduled check-up siya kay Dr. Tony Leachon this July 17. Hindi na umabot. He was supposed to turn 57 this month. :(

Kinumusta mo pa ako noong June 15 , ilang araw matapos ako ay nagkaroon ng hemorrhagic stroke . Rest in peace bro . Enjoy your journey . Paki-kumusta mo na rin kami kay ama , Mike Enriquez . Paalam . " aniya.

MAKI-BALITA: Batikang sports journo na si Chino Trinidad, pumanaw na