August 26, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

'She is ready' post ng Dreamscape, hinuhulaan; wish ng fans, sana si Angel Locsin

'She is ready' post ng Dreamscape, hinuhulaan; wish ng fans, sana si Angel Locsin
Photo courtesy: Dreamscape Entertainment (IG)/Screenshot from Kapamilya Online Live/Angel Locsin Official (IG)

Naglabas ng pa-teaser ang ABS-CBN at Dreamscape Entertainment tungkol sa isang nagbabalik na aktres, na may pa-grand reveal sa darating na Lunes, Hulyo 15.

Makikita sa teaser na ang tinutukoy na aktres ay may blonde long hair. Walang ibang clue tungkol sa kaniya, subalit nagkakaisa ang mga netizen, na ito ay walang iba kundi si 7th Eddys Awards Best Actress Julia Montes, na napaulat nang magbabalik sa paggawa ng teleserye, kasama si Megastar Sharon Cuneta, na kamakailan ay nagkaroon ng grand contract signing para sa proyekto niya sa Kapamilya Network.

"The long wait is over. MAGBABALIK NA SIYA!"

"Abangan ngayong Lunes! 07.15.24 12NN! " mababasa sa caption.

Teleserye

'Batang Quiapo' sinisita dahil puro violence, rape sa mga babaeng karakter

"SHE IS READY!" saad naman sa pubmat.

Bagama't may mga humuhulang si Julia Montes ito sa likod pa lang, nangingibabaw ang mga netizen na nagsasabi at nag-aasam na sana, si Angel Locsin na lang ito na matagal-tagal na ring naka-showbiz at social media hiatus.

"pwede bang ANGEL LOCSIN NA LANG"

"I think it's Julia Montes, since the other week si Sharon Cuneta ang pinakilala na may bagong project sa Dreamscape"

"ANGEL LOCSIN!"

"Angel Locsin sana..."

"Pero pag si Angel to grabe!!"

Bukod kina Julia at Angel, lumitaw din ang mga pangalan nina Angelica Panganiban, Jessy Mendiola, at Erich Gonzales.