September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pagsaway ni Andi Eigenmann sa lalaking sumingit para maki-selfie, umani ng reaksiyon

Pagsaway ni Andi Eigenmann sa lalaking sumingit para maki-selfie, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Screenshots from Mermaida J Toombs (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang isang viral video kung saan makikitang tila sinaway ng aktres na si Andi Eigenmann ang isang lalaking gustong magpa-picture sa kaniya.

Makikita sa video na pinagbigyan ni Andi ang humirit na tindero at tindera ng souvenir items sa Siargao na makapagpa-picture sa kaniya.

"Maybe you can wait your turn at least sir," saway ni Andi sa lalaki nang sumingit ito habang naka-selfie pa siya sa babae.

Maya-maya ay pinagbigyan din niya ang nabanggit na lalaki.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang uploader naman ng video ay naglagay ng caption na "Papapicture sana ako pero wag na lang. Video na lang," aniya.

Facebook

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento sa netizens.

"Wow! Medyo suplada pala sis ganda! but enjoy kayo jan sis i heard the best ang siargao!"

"At least tinawag niyang sir and tama rin naman kasi, bakit kasi nakikisingit eh nakikita na nga niyang may nakasalang pa."

"Wait for your turn kasi sir."

"Naku heto na naman ang isyu ng pagsusuplada raw hahaha."

"I dont find it attitude, tama lang naman kasi xa sinabi pa nga nya sir eh, isa isa lang, wag dumog...ung mga balat sibuyas lang ung affected na mataray or suplada xa."

"Some Filipinos are looking pathetic here, I mean kita nyo naman and it shows that Andi is in sort of rush, sana nirespeto nyo na lang and leave her rather than making yourself looking pathetic just for the sake of picture and myday nyo. Ako, hinde ako magpapakababa pra sa pic especially if I see that the celebrity is in kind of that rush and uncomfortable look."

"Hindi siya suplada straight to the point kasi siya at gumamit ng Sir. Tapos kailangan talaga matutunan ung manners! Tama siya maghintay muna siya na matapos sila kasi Bastos ung sisingit ka na Hindi pa Tapos."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Andi kaugnay sa isyu.