September 18, 2024

Home SHOWBIZ

Kapatid ni Rico Yan, 'di ipinagbabawal pagbisita sa puntod ng aktor

Kapatid ni Rico Yan, 'di ipinagbabawal pagbisita sa puntod ng aktor
Photo Courtesy: Bobby Yan (IG), Screenshot from TikTok via Yoshi (FB)

Nagbigay ng pahayag ang kapatid ni Rico Yan na si Bobby Yan kaugnay sa pagbisita ng mga tao sa puntod ng aktor na tila isa itong tourist spot.

Sa ulat ng “Frontline Pilipinas” kamakailan, sinabi umano ni Bobby sa pamamagitan ng isang text message na wala raw silang nakikitang problema sa pagdalawa sa puntod ng kaniyang kapatid.

“It’s nothing to be concerned about for now. We welcome po anyone from anywhere. We support all generations. Rico's heart was for the youth,” saad ni Bobby.

Dagdag pa niya: “I imagine Rico won't turn Gen-Z away at all. If our caretaker say it is getting bothersome to our neighbors or otherwise in Manila Memorial Park, I shall reach out po at once.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Matatandaang nag-trending kamakailan sa X ang panawagan ng maraming netizens na patahimikin na umano ang kaluluwa ng aktor dahil sa paglutang ng mga luma niyang video sa iba’t ibang social media platforms.

MAKI-BALITA: Patay na patay sa patay? Rico Yan kino-content, patahimikin na raw

MAKI-BALITA: Puntod ni Rico Yan, ginawang tourist spot