September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Claudine Barretto, pinabulaanan quote card tungkol kay Rico Yan

Claudine Barretto, pinabulaanan quote card tungkol kay Rico Yan
Photo Courtesy: Claudine Barretto (IG), via MB

Nadawit pati ang pangalan ni Optimum Star Claudine Barretto sa gitna ng hype na dala ng namayapang matinee idol at dati niyang ka-love team na si Rico Yan.

Kumakalat kasi ngayon ang isang quote card kung saan mababasa ang umano’y pahayag ni Claudine sa mga gumagambala sa puntod ni Rico para gawing content.

"Tinalo niyo pa ako sa mga pa-time lapse niyo. Wag niyo ipilit yung pag-alala kay Yan, hindi niyo naman na siya naabutan. Wag niyong gawing content yung puntod niya," saad sa quote card.

Kaya sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Hulyo 12, ibinahagi niya ang screenshot nito at pinabulaanan.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"FAKE NEWS!!!!" saad ni Claudine.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento: 

"mga people's ba naman ngayon"

"let's not support fake news, we know na hindi po kayo yan Ms. Claudine, we love you po!!"

"Sabi na e..haist kakaloka talaga Yung ibang tao hugs Ms claudine"

"DI GANYAN SI CLAU MAG POST PARTE KAY RICO, NI RESPECT NIYA SI RICO."

"Pinepeke nila ang nag-iisang bombshell girlfriend ni RY e. ‍"

Matatandaang nag-trending kamakailan sa X ang panawagan ng maraming netizens na patahimikin na umano ang kaluluwa ng aktor.

MAKI-BALITA: Patay na patay sa patay? Rico Yan kino-content, patahimikin na raw

MAKI-BALITA: Puntod ni Rico Yan, ginawang tourist spot