August 22, 2024

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Bus driver na isinakay asong nalilito at muntik masagasaan sa kalsada, sinaluduhan

Bus driver na isinakay asong nalilito at muntik masagasaan sa kalsada, sinaluduhan

Umaani ng papuri sa mga netizen ang isang bus driver na namataang walang pangingiming iniligtas ang isang palakad-lakad na asong tila nalilito at nakaamba ang buhay sa kalsada, batay sa kaniyang mga larawan sa isang dog lovers community.

"SALUTE SAYO MANONG DRIVER " mababasa sa caption ng post sa Uno Dog Lovers Philippines community Facebook page.

"Natagpuan ng isang pampasaherong bus driver ang isang aso na nalilito sa kalsada at malapit nang masagasaan. Huminto ang driver para ilagay ang aso sa bus, binigyan siya ng pagkain at tubig. Ang mga pasahero ay kumuha ng litrato at nagdiwang ng isang marangal na gawain."

Makikita sa larawan na matiyaga pa itong pinainom ng tubig mula sa plastic cup. 

Kahayupan (Pets)

'Para kang nakaginto sa Olympics!' Mga epekto 'pag nag-volunteer ka sa animal shelter

Ibinahagi naman ang kuhang larawan sa iba't ibang Facebook pages.

Pinusuan naman ito ng mga netizen at hangad nilang bumuhos pa ng biyaya ang nabanggit na bus driver dahil sa kabutihan nito sa mga hayop.