September 13, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ugat ng hiwalayan: Maris Racal, nakakita ng bagong perspective sa buhay?

Ugat ng hiwalayan: Maris Racal, nakakita ng bagong perspective sa buhay?
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (FB)

Nagbigay ng pahapyaw na detalye ang Kapamilya actress na si Maris Racal hinggil sa naging dahilan ng breakup nila ni singer-songwriter Rico Blanco matapos niya itong ianunsiyo.

MAKI-BALITA: Rico Blanco, Maris Racal hiwalay na!

Sa ginanap na press conference nitong Biyernes, Hulyo 12, sinabi ni Maris na hindi raw niya alam kung anong nangyari sa kaniya gayong sa loob ng ilang taong pagsasama ay pareho lang naman daw sila ni Rico na nasa iisang “pahina.”

“We were always on the same page. Always on the same page. But I don’t know what happened to me. Maybe I turned to the next page and saw a new perspective sa life,” saad ni Maris.

Relasyon at Hiwalayan

'Sky is the limit daw!' Madir na si Jackie, aprub kay Kyline para kay Kobe?

“I had visions of who I wanted to become; how I wanted to evolve. I’m so curious about the world. The truth is I’m going through changes,” wika niya.

Dagdag pa niya: “But what I hate about changes is that are inevitable. Hindi mo siya matatakasan. And wala ka nang gagawin kundi to face it and confront it.”

Kaya nagdesisyon ang aktres na sabihin kay Rico ang tungkol sa mga isyu at problema niyang ito sa buhay. At bilang lalaki, tinanggap daw nito ang lahat ng kaniyang mga sinabi.

“It was a very difficult talk ‘cause I love him so much and he loves me but I have so many questions in life,” sabi pa niya.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Rico tungkol sa naturang isyu.