September 22, 2024

Home BALITA National

Trillanes, iginiit na dapat nang patalsikin si VP Sara: 'Impeach this crazy woman'

Trillanes, iginiit na dapat nang patalsikin si VP Sara: 'Impeach this crazy woman'
Dating Senador Antonio Trillanes IV at Vice President Sara Duterte (MB file photo; Facebook)

Tinawag ni dating Senador Antonio Trillanes IV si Vice President Sara Duterte na “crazy woman” at dapat na umanong patalsikin sa pwesto matapos nitong sabihing siya ay “designated survivor” at hindi dadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 

Sinabi ito ni Trillanes sa pamamagitan ng isang X post nitong Huwebes ng gabi, Hulyo 11.

“It is time to impeach this crazy woman. #ImpeachSara,” ani Trillanes sa kaniyang post kalakip ang balita hinggil sa pahayag ni Duterte kaugnay ng SONA.

Matatandaang nito lamang ding Huwebes nang ianunsyo ng bise presidente na hindi siya dadalo sa SONA ni Marcos sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City sa Hulyo 22, 2024.

National

Mark Andrew Yulo, inimbitahan ni Sen. Bong Go sa PBA game

"I will not attend the SONA. I am appointing myself as the designated survivor,” ani Duterte sa panayam ng mga mamamahayag.

MAKI-BALITA: VP Sara, hindi dadalo sa SONA ni PBBM