October 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Dominic, ayaw nang dagdagan detalye ng breakup nila ni Bea

Dominic, ayaw nang dagdagan detalye ng breakup nila ni Bea
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Integrated News (YT)

Hiningan ng reaksyon ang aktor na si Dominic Roque sa naging pasabog ng ex-fiancée niyang si Bea Alonzo tungkol sa breakup nilang dalawa.

Sumalang kasi kamakailan si Bea sa GMA Integrated News kung saan niya sinabing hindi raw siya ang nakipaghiwalay kay Dominic.

MAKI-BALITA: Pasabog ni Bea sa hiwalayan nila ni Dominic: ‘Hindi ako ang nakipag-break!’

Pero sa isang episode ng “BaliTanghali” noong Huwebes, Hulyo 11, hindi kinumpirma ni Dominic o maski pinabulaanan ang naging pahayag ni Bea sa nasabing panayam.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

"Wala naman akong i-a-add," saad niya.

Sa kasalukuyan, nagmo-move on na raw si Dominic at pinapanatiling abala ang sarili sa iba’t ibang bagay.

Matatandaang Pebrero nang basagin nina Dominic at Bea ang katahimikan tungkol sa umuugong na balitang hiwalay na silang dalawa sa pamamagitan ng isang social media post.
MAKI-BALITA: Bea Alonzo, binasag na katahimikan sa hiwalayan nila ni Dominic Roque

Bago pa man kasi ito ay nauna nang kinumpirma ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda ang breakup ng ex-celebrity couple sa isang episode ng kaniyang programa.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!