October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Vice Ganda, inirekomenda ang 'Wala muna kong pake' moment: 'Nakakafresh!'

Vice Ganda, inirekomenda ang 'Wala muna kong pake' moment: 'Nakakafresh!'

Pinusuan ng mga netizen ang social media post ni Unkabogable Star Vice Ganda patungkol sa pagkakaroon ng "Me Time" at mawalan muna ng "pake" o pakialam sa mga nangyayari.

Aniya, "Once in a while you should give urself the chance to enjoy a 'wala muna kong pake' moment."

"Nakakafresh!" dagdag pa.

Vice Ganda - Once in a while you should give urself the chance to... | Facebook

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"yes mama! you deserve it so much!"

"Once in a while spent quality and bonding moments with your Babe, you deserve to rest sobrang pagod mo. Enjoy each other's company."

"you and kuya ion deserve some break! enjoy your time with each other, loves! wala munang uuwi!"

"Chrue!! Enjoy kayo Meme and Ion! Wapake muna!!"

Bukod sa It's Showtime, mga gigs sa iba't ibang lugar, hosting ng "Last One Laughing" Philippines at pagbabalik-pelikula sa direksyon ni Jun Robles Lana, abala rin si Vice Ganda sa pagbubukas ng kaniyang negosyong comedy bar, ang "Vice Ganda Comedy Club" na nasa Quezon City, malapit sa ABS-CBN.