July 31, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Netizens kinilabutan sa prediksyon ni Rudy Baldwin tungkol sa China

Netizens kinilabutan sa prediksyon ni Rudy Baldwin tungkol sa China
Photo courtesy: Rudy Baldwin via GMA Integrated News/Freepik

Usap-usapan ang Facebook post ng prediksyon ng fortune teller na si Rudy Baldwin kaugnay sa bansang China.

Aniya sa kaniyang post nitong Huwebes, Hulyo 11, huwag daw sanang isipin ng mga tao na pananakot ang kaniyang vision. Anuman daw ang kaniyang prediksyon, puwede pa rin daw magdasal na baka-sakaling mabago ang mga nakikita niya.

Hula raw niya sa mangyayari sa China ay mukhang may kakaharapin itong kalamidad na may kinalaman sa tsunami, na maaari raw magdulot ng pagkabiyak ng lupa. Posible rin daw ang pagkakaroon ng sinkhole.

Isa pa, nakita rin niya ang pagbagsak ng isang gusali sa nabanggit na bansa na pinaggaganapan ng isang pagpupulong na kumitil sa maraming tao matapos silang madaganan.

Human-Interest

Mamahalin mo pa ba ang iyong jowa kung amoy-maasim ang singit niya?

Magkakaroon din umano ng pagputok ng bulkan sa kanila, at kahit na may girian ang Pilipinas sa China dahil sa isyu ng West Philippine Sea, ay magpapaabot pa rin ng tulong ang bansa.

Tatlong malalakas na lindol din umano ang dapat asahan.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento.

"Nakasulat po lahat 'yan sa bible."

"Prayer is the key amen."

"In Jesus name sana hindi ito maganap."

"IF ever na mangyari man ito sa china mas dito natin ipapakita sa kanila ang simplatiya parin natin sa kanila.. kahit sa kabila hindi maganda ang pakikitungo nila satin, huwag mag tanim ng sama ng loob pilipino tayo na tanyag padin satin na may taglay kakabaan loob may takot sa dios ama huwag gumanti hayaan natin na mismo ang mas may kapangyarihan sa lahat ang parusa sa mga gumagawa ng hindi maganda satin."

Rudy Baldwin - JUNE 11,2024.BAGO KO POST ANG VISION KO IPAALALA KO... | Facebook

Samantala, kamakailan lamang ay muling naging usap-usapan ang prediksyon noon ni Rudy patungkol sa mga beauty candidates na napaulat na nawala.

MAKI-BALITA: Hula ni Rudy Baldwin tungkol sa beauty pageant candidates, nagkatotoo?