Matapos matagpuan sa Capas, Tarlac ang bangkay ng beauty queen candidate mula sa Pampanga na si Geneva Lopez at Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen na halos dalawang linggo nang nawawala, binalikan ng mga netizen ang umano'y prediksyon ni Rudy Baldwin tungkol sa beauty pageant contestants noong Nobyembre 2023.
MAKI-BALITA: Nawawalang mag-jowa sa Pampanga, natagpuang bangkay na sa Tarlac
Sa nabanggit na Facebook post, pinag-iingat ni Baldwin ang mga beauty pageant contestants dahil maaaring ilan daw sa kanila ay maging biktima sa isang krimen.
Rudy Baldwin - NOVEMBER 30:2023 KUNG ANO MAN ANG NAKIKITA KO SA... | Facebook
"PINAG INGAT KO LAHAT NG MGA SUMASALI SA PAGEANT NA MAGING MAINGAT DAHIL ILAN SA INYO AY BIKTIMA NG PAGDUKOT AT WALANG BUHAY NA ITO NATAGPUAN .ITO AY HINDI PANANAKOT ITO AY ISANG BABALA O GABAY UPANG TAYO AY MAKAPAG INGAT SA ATING MGA SARILI .ME NAKITA AKONG ISANG BABAE AT LALAKI NA SUMASALI SA PAGEANT NGUNIT MAGKAIBANG LUGAR ANG PANGYAYARI NA NAGING BIKTIMA NG KRIMEN ANG ISA AT ANG ISA NAMAN AY NALUNOD ITO KAHIT MARUNONG ITONG LUMANGOY AY NASAWI PADIN DAHIL SA HINDI NYA NAKAYANAN ANG ALON .MAGING MAINGAT ANG LAHAT LALO NG MGA KABATAAN MAGING MAINGAT DAHIL MAS TUMAAS ANG BILANG NG BIKTIMA NG KRIMEN AT PANG HAHALAY LALO NA SA TAONG 2024 .SUNDUIN NYO ANG MGA ANAK NYO .AT HUWAG DIN MATIGAS ANG ULO NG MGA ANAK PAKINGGAN ANG PAYO NG MGA MAGULANG .DAHIL SA TAONG 2024 HINDI MAAWAT ANG PAG ANGAT NG BILANG NG KRIMEN AT BIKTIMA NG PANGHAHALAY .MAGING MAINGAT ANG LAHAT AT HUWAG KALIMUTAN ANG MANALANGIN PALAGI," bahagi ng kaniyang post.
Bukod kay Geneva, matatandaang napabalita rin ang pagkawala ng isa pang beauty queen contestant-teacher na si Catherine Camilon na hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung nasaan na siya.
MAKI-BALITA: PNP major na idinadawit sa pagkawala ng beauty queen sa Batangas, sinibak na!
MAKI-BALITA: Nawawalang beauty queen, miss na miss na ng nanay, kapatid
MAKI-BALITA: Kandidata ng Miss Grand Philippines 2023 ilang araw nang nawawala