May 22, 2026

Home BALITA

Nawawalang mag-jowa sa Pampanga, natagpuang bangkay na sa Tarlac

Nawawalang mag-jowa sa Pampanga, natagpuang bangkay na sa Tarlac
Photo courtesy: Screenshots from TV Patrol via ABS-CBN News

Tapos na ang paghahanap sa nawawalang beauty queen contestant na si Geneva Lopez at kaniyang nobyong si Yitshak Cohen matapos mahanap ang kanilang mga bangkay sa isang liblib na lugar sa Capas, Tarlac.

Positibong kinilala ng mga kaanak ni Lopez ang mga labi niya gayundina ng kaniyang kasintahan na isang Israeli national, ayon na rin sa kumpirmasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP).

Natagpuan umano ng mga residente ang mga naaagnas na bangkay sa isang bakanteng lote ng quarry site sa Barangay Sta Lucia, Capas, Tarlac.

Kinumpirma ni Pampanga Governor Dennis Pineda sa kaniyang Facebook post na sina Lopez at Cohen ang mga natagpuang bangkay, batay sa mga suot na damit at personal na gamit na nakita sa kanila.

Matatandaang nagpaalam daw ang magkasintahan sa kanilang mga kaanak na magsasadya sila sa Capas, Tarlac upang makipagkita sa isang naka-transaksyon nila patungkol sa isang property, noon pang 2021, noong Hunyo 21.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Simula raw nang umalis ang dalawa, hindi na raw sila makontak at hindi na rin nagpapadala ng mensahe o tawag sa kanila, kaya labis nang nag-aalala ang kanilang mga kaanak.

Kinabukasan, natagpuang sunog ang sasakyang minaneho ni Cohen nang umalis sila patungong Capas. Natagpuan sa loob ng sunog na sasakyan ang ilang mga dokumentong nakapangalan kay Lopez. Kinumpirma ng mga kaanak ng kontesera na ang sunog na SUV ay sinakyan ng dalawa bago nawala.

Tumaas ang presyo ng pabuya na umabot sa milyong piso para lamang makatulong sa paghahanap sa dalawa.

Wala pang linaw sa motibo at kung sino-sino ang suspek sa pagpaslang sa dalawa.