October 08, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Hindi hayok sa project: Ivana, pagod na raw kaya babu na sa Batang Quiapo

Hindi hayok sa project: Ivana, pagod na raw kaya babu na sa Batang Quiapo
Photo courtesy: Ivana Alawi (FB)/Dreamscape Entertainment (FB)

Kung sinasabi ng talent manager ni "FPJ's Batang Quiapo" star Ivana Alawi na si Perry Lansigan na kaya mawawala na sa kinabibilangang action-drama series ang alaga dahil sa kipit na kipit na nitong schedule, iba naman ang version na lumalabas sa iba't ibang showbiz personalities patungkol dito.

Ang tsika naman sa Marites University showbiz vlog nina Jun Nardo, Rose Garcia, Ambet Nabus, at Mr. Fu, pagod na raw si Ivana kaya hindi na magpapatuloy sa serye, na eventually ay tatlong buwan lang daw dapat (sabi ng manager sa panayam ni DJ Jhai Ho) pero na-extend lang nang na-extend dahil nga pumatok sa mga manonood.

Ayon sa publicist ng PPL Entertainment na si Rose na isa rin sa mga host ng vlog, hindi raw totoong tsutsugihin na si Ivana dahil sa attitude o dahil hindi ito namamansin sa set, o kaya naman ay hindi napapakiusapang mag-extend ng kaunting oras para sa taping.

Trulalu raw na mawawala na si Ivana sa BQ pero hanggang dulo pa raw ng Hulyo ang kaniyang last taping. Ang rason daw na ibinigay sa kaniya ay napapagod na nga raw ang aktres na isa ring social media personality.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Paliwanag pa ni Rose, hindi naman daw "hayok" sa proyekto si Ivana dahil sa totoo lang, milyon ang kinikita nito sa vlogging pa lang, idagdag pa ang mga endorsement nito at live selling. Isa pa, milyonarya na siya dahil nga sa iba pa niyang mga negosyo.

“It’s true na mawawala na siya sa Batang Quiapo dahil ayaw na! Pagod na! That’s the statement na sinabi sa akin. Ayaw na, pagod na. Pagod na siguro si Ivana. Kung papansinin ninyo si Ivana hindi naman talaga siya ‘yong ano, ang gagamitin kong term hayok o ‘yong anong-ano na magka-project,” sey ni Rose sa kanilang vlog.

Bagay na sinang-ayunan naman ng kaniyang co-hosts.

Sa isang episode naman ng "Cristy Ferminute," ganito rin ang nasagap daw na tsika ni Cristy; na kesyo pagod na nga raw si Ivana sa taping ng serye.

Samantala, matatandaang nagkaroon pa nga ng teaser patungkol kay "Black Rider Girl" na mukhang magiging bagong leading lady ni Tanggol (Coco Martin) sa kuwento, na ang hula ng karamihan ay si Kapuso actress Kim Domingo.

MAKI-BALITA: Wala raw pinapansin: Ivana Alawi, tsutsugihin na sa 'Batang Quiapo?'

MAKI-BALITA: Manager, nagsalita sa isyung 'may attitude' si Ivana kaya ligwak na sa Batang Quiapo

MAKI-BALITA: Bagong 'babae' sa buhay ni Coco Martin, si Kim Domingo?