October 09, 2024

Home SHOWBIZ

Rash Flores, mas bet umarte sa Vivamax: 'Dito, uungol ka lang!'

Rash Flores, mas bet umarte sa Vivamax: 'Dito, uungol ka lang!'
Photo courtesy: Rash Flores (IG)/Vivamax (FB)

Kinontra ng Vivamax actor na si Rash Flores ang sinabi ng kapwa Vivamax star na si Micaella Raz patungkol sa paggawa ng mga pelikula sa Vivamax.

Ang Vivamax ay isang app sa ilalim ng VIVA Films kung saan mapapanood ang adult contents na may subscription kada buwan.

Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kay Rash, sinabi niyang para sa kaniya, mas madali nga raw ang trabaho sa Vivamax kaysa sa taping ng mainstream.

Sa mainstream daw kasi, halos 24 oras ang shooting pero sa Vivamax, sandali lang.

Events

Sa pagtakbong senador ni Willie: Wil To Win, magpapatuloy pa ba sa ere?

Saka raw, hindi raw naman nakakapagod umungol, taliwas sa sinabi ni Micaella.

"Hindi nakakapagod. Part ng trabaho 'yon. Lahat naman ng work nakakapagod," paliwanag ni Rash.

“Mas gusto ko nga sa Vivamax kasi sa mainstream, talagang 24 hours 'yong shooting. Dito, hindi naman 24 hours 'yong shooting. Dito, uungol ka lang. Eh 'yong sinasabi nilang nakakapagod umungol, work lang," paliwanag ni Rash.

Saad pa ni Rash, ang nagbigay sa kaniya ng inspirasyon sa pag-arte nang walang "arte-arte" ay si Direk Brillante Mendoza, na hangga't maaari, gustong maging makatotohanan ang mga eksena sa pelikula.

Kaya nga sa front nudity scenes niya, hindi na raw siya nagpapalagay ng plaster o takip para hindi na masakit sa tanggalan kapag tapos nang kunan ang eksena.