October 08, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kumakalat na teorya: Julia, anak daw nina Claudine at Rico

Kumakalat na teorya: Julia, anak daw nina Claudine at Rico
Photo courtesy: via MB/Claudine Barretto (IG)

Nakakaloka ang mga kumakalat na "conspiracy theory" na ginagawa ng ilang content creators patungkol sa mag-ex na sina Rico Yan, Claudine Barretto, at this time, dawit na rin ang aktres na si Julia Barretto.

Kamakailan lamang ay muling nagte-trending ang pangalan ng pumanaw na aktor dahil marami sa mga "Gen Z" vloggers ang tila nahuhulog sa kaniya, batay sa video clips na kumakalat patungkol sa dating matinee idol.

Ang iba pa nga, nagsasadya pa sa puntod ng aktor para lamang itampok siya sa content, at tila ginawa pang tourist spot.

MAKI-BALITA: Puntod ni Rico Yan, ginawang tourist spot

Tsika at Intriga

Jen Barangan, kinuyog matapos mag-lights on recording sa Olivia Rodrigo concert

Nanawagan na nga ang mga netizen, pati na ang ilang celebrities, na patahimikin na ang kaluluwa ni Rico.

MAKI-BALITA: Patay na patay sa patay? Rico Yan kino-content, patahimikin na raw

MAKI-BALITA: Jessy Mendiola, nag-react sa mga gumagambala kay Rico Yan

Kaugnay nito, kumakalat naman ang haka-haka ng isang content creator patungkol kina Claudine at Rico. Aniya, baka raw ang tunay na anak ng dalawa ay si Julia Barretto.

“What if anak talaga ni Rico Yan at Claudine Baretto si Julia Barretto, hindi lang tanggap ni claudine na wala na si Rico Yan kaya binigay niya si Julia Baretto sa kapatid niya,” mababasa sa screenshot ng isang TikTok content, na ini-ulat naman sa page na "Pinoy Trending."

Photo courtesy: TikTok via Pinoy Trending (FB)

Ngunit ito ay imposible na dahil walang anak sina Claudine at Rico noong sila pa. Isa pa, si Julia ay anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla, na kapatid naman nina Leon Barretto at Claudia Barretto. Si Dani Barretto na siyang panganay ni Marjorie ay anak nila ng action star na si Kier Legaspi.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Julia, Claudine, Marjorie, Dennis, at maging pamilya ni Rico patungkol dito.