October 06, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Julia, kinuwestiyon ang sarili bago gawin ang pelikula nila ni Alden

Julia, kinuwestiyon ang sarili bago gawin ang pelikula nila ni Alden
Photo Courtesy: Julia Montes, Alden Richards (IG)

Tila pinagdudahan pala ni Kapamilya actress Julia Montes ang sarili bago nagpasyang tanggapin ang proyekto nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards na “Five Break-Ups and a Romance.”

Sa latest Instagram post ni Julia nitong Martes, Hulyo 9, nagbigay siya ng pahayag matapos niyang matanggap ang parangal na Best Actress sa 7th EDDYS Award para sa nasabing pelikula.

“Before doing #FiveBreakupsAndARomance ang dami kong tanong sa sarili ko ‘kaya ko ba?’ ‘Bakit ako?’ Dahil maraming pagkakataon na ako mismo nagtatanong sa kakayanan ko,” pag-amin ni Julia.

“Pero nakilala ko ang aming director na si Direk @ayrin [Irene Villamor], tinuruan nya akong pahalagahan ang sarili at paniwalaang kaya ko ang mga bagay bagay,” aniya.

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

Ayon pa kay Julia, unang pagkakataon daw niya na nakagawa siya ng pelikula na sobra siyang na-excite ipakita ito sa kaniyang mga kaibigan dahil proud na proud siya rito lalo na’t kasama niya si Alden.

MAKI-BALITA: Julia Montes, first time naging proud sa project kung saan kasama si Alden

“I will never have the chance na makatanggap ng Best Actress if not with my Best Actor kong si Lance. PAR, salamat sa suporta at pagpapalakas ng loob ko sa pelikula natin,” saad pa niya.

Bukod kay Alden at Direk Irene, pinasalamatan din ni Julia isa-isa ang iba pang naging bahagi ng pelikula at ang mga manonood at naka-appreciate nito.

Sa huli, hiniling ng aktres na sana ay patuloy na suportahan ng bawat isa ang pelikulang Pilipino.