October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Diwata laos na raw, di na pinagkakaguluhan; sumasakay raw kay Boy Dila

Diwata laos na raw, di na pinagkakaguluhan; sumasakay raw kay Boy Dila

Binanatan sa isang blog page ang sikat na social media personality at paresan owner na si Diwata o Deo Balbuena matapos umanong maispatang tila hindi na pinagkakaguluhan ng fans habang naglalakad sa isang kalsada.

Ayon sa Facebook page na "YFM Blog," naispatan si Diwata na naglalakad-lakad sa isang kalsada kasama ang isang lalaki, subalit mapapansin daw na wala nang dumudumog sa kaniya para magpa-picture.

Nakikisakay na rin daw si Diwata sa nag-viral na si "Boy Dila" o Lexter Castro dahil sa pambabasa at paglawit ng dila sa isang rider noong Wattah Wattah Festival sa San Juan City, noong Hunyo 24.

Mababasa sa caption, "Ayan Lumipas kana din sa Wakas. Wag kasi masyado yumabang pag umangat kana. Oh ano ka ngaun un sinasabihan mo na ginagatasan ka noon, ngayon IKAW na nakiki ride on sa kasikatan ni Boy Dila."

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Hindi naman sigurado kung kailan o ano ang eksaktong petsa sa pagkakuha sa nabanggit na video.

Photo courtesy: Screenshot from YFM Blog (FB)

Sa comment section ay makikita naman ang isang screenshot kung saan inaya raw ni Diwata si Boy Dila na kumain na lang sa kaniyang paresan, bagama't hindi naman tiyak o sigurado kung pagmamay-ari nga ni Diwata ang nabanggit na FB page.

MAKI-BALITA: 'Good Dila na!' Boy Dila, nag-sorry na 'nasira' niya imahe ng San Juan City

Matatandaang naging isyu kay Diwata ang alegasyong namimili raw siya ng fans na eestimahin, at ang karamihan daw na dumadayo sa kaniyang paresan o bahay para magpa=picture sa kaniya ay sinusungitan.

MAKI-BALITA: Diwata sinagot isyung namimili ng ka-selfie, isnabera na siya

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Diwata kaugnay sa isyung ito.