August 27, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

'Ang sarap pag-aralan!' Mercedes Cabral, bet gumanap sa psychological-thriller film

'Ang sarap pag-aralan!' Mercedes Cabral, bet gumanap sa psychological-thriller film
Photo Courtesy: Screenshots from Julius Babao (YT)

Ibinahagi ni “FPJ’s Batang Quiapo” star Mercedes Cabral kung ano ang pinapangarap niyang magampanang karakter sa pelikula sa mga darating na panahon.

Sa latest episode ng vlog ni broadcast-journalist Julius Babao nitong Martes, Hulyo 9, sinabi ni Mercedes na gusto niya ang mga role na komplikado ang karakter.

“Gusto ko ‘yong mga like, complex characters. Siguro ‘yong mga mentally unstable. Alam mo ‘yon, there’s something wrong psychologically,” lahad ni Mercedes.

Mahilig kasi ako sa mga psychological-thriller. ‘Yong mga gano’n na characters gusto kong gawin. Wala pa akong nagagawa kasi na gano’n,” aniya.

Pelikula

Pelikulang 'Dear Satan' ni Paolo Contis, papalitan ng titulo

Dagdag pa niya: Like for example, ‘yong movie na ‘Split.’ ‘Yong mga gano’n na character….I  know it’s gonna be hard. Pero gusto ko ‘yong challenge na gano’n. Kasi nga, ang sarap ding pag-aralan kasi ng character, e.”

Samantala, kung teleserye naman daw ang pag-uusapan, mas gusto raw niya na ipagpatuloy ang pagiging kontrabida. 

Sa isang bahagi kasi ng panayam ay inamin ng aktres na nae-enjoy daw niyang gampanan ang naturang role.

Kaya naman, hindi nakapagtatakang nakakatanggap siya ng samu’t saring hate comments mula sa netizens dahil sa karakter niyang si Lena sa “Batang Quiapo.”

MAKI-BALITA: Mercedes Cabral, nae-enjoy ang kontrabida role

MAKI-BALITA: Mercedes, ikinahihiya na raw sa hometown dahil sa pag-represent sa mga kabet