September 19, 2024

Home SHOWBIZ Events

MJ Lastimosa sa ₱500 worth na premyo: 'Naibulsa ko na ang ₱499,500!'

MJ Lastimosa sa ₱500 worth na premyo: 'Naibulsa ko na ang ₱499,500!'
Photo courtesy: MJ Lastimosa (FB/IG)

Sumagot na si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa sa pinag-usapang pagkakamali niya sa pagbanggit ng premyo para sa special awards sa naganap na Binibining Pilipinas 2024 coronation night sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City noong Linggo, Hulyo 7.

Isa nga sa mga nagsilbing host nito si MJ kasama ang iba pang Binibini Queens na sina Ruffa Gutierrez, Nicole Cordoves, Kylie Verzosa, at Catriona Gray.

Hindi naman nakaligtas sa mga netizen ang pagkakamali ni MJ nang banggitin niyang 500 pesos lang ang worth ng beauty products na mapapanalunan ng isa sa mga winner ng special awards.

"Our next special award is our Binibini Beauty Derm. And she will go home with 150k cash prize plus 500 worth of Beauty Derm products," aniya.

Events

Righhhooouuurrr at Lena, ginawang endorser ng liempo

MAKI-BALITA: MJ Lastimosa, 'nilaro' matapos magkamali sa pagbanggit ng premyo

Nahagip din ng mga netizen ang reaksiyon dito ni Nicole.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Nag-erratum siya HAHAHAHA. 500K daw. HAHAHAHA."

"SHUTA. MEME NA NAMAN ANG MGA ACCLA!"

"Si MJ talaga kahit kelan."

"May bagong memes na naman after ng 'everything.'"

"500 pesos dahil isang rejuv set lang daw hahaha"

"Shutaaaccaaaa talaga mareng MJ naloka si Nicole eihh."

Nitong Lunes, Hulyo 8 ay pabirong nagsalita tungkol dito si MJ.

"Good mornings mga mare na ibulsa ko na ang 499,500php worth of beautederm products because ONCE A BINIBINI ALWAYS READY "

"Congratulations to our newly crowned BINIBINING PILIPINAS QUEENS!"

"Now back to work! ," aniya.

MJ Lastimosa - Good mornings mga mare na ibulsa ko na ang... | Facebook