October 07, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Mercedes, ikinahihiya na raw sa hometown dahil sa pag-represent sa mga kabet

Mercedes, ikinahihiya na raw sa hometown dahil sa pag-represent sa mga kabet
Photo courtesy: Screenshot from Julius Babao (FB)/Screenshots from ABS-CBN Entertainment via Balita

Natatawang inamin ng aktres at gumaganap na "Lena" sa number 1 action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" na si Mercedes Cabral na natutuwa at natatawa na lang siya sa hate comments na natatanggap niya dahil sa kaniyang epektibong pagganap bilang "kabet."

Sa panayam ni Julius Babao sa kaniya sa vlog nito, nagpatikim ang TV5 broadcast journalist sa magiging takbo ng panayam niya kay Mercedes.

Isa nga sa napag-usapan nila ay ang pagganap ng aktres bilang "Lena" na most hated character daw ngayon sa Philippine TV dahil nakuha niya ang inis, gigil, at pagka-relate ng masa.

Tinanong siya ni Julius kung ano ang most memorable reaction para sa kaniya na nakuha niya mula sa tao dahil sa pagganap niya bilang kontrabida.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Facebook

Sagot ni Mercedes, may nabasa raw siya isang comment section na ikinahihiya na raw siya sa kanilang hometown sa Bicol dahil nire-represent raw niya ang mga kabet.

Tawang-tawa naman si Mercedes dahil tila may mga tao raw na hindi mapaghiwalay ang realidad sa role na ginagampanan ng artista.

Komento naman ng mga netizen, dito makikita ang galing ng isang artista.

"Sa Bicol, doon galing 'yong mom ko. So pumunta kami ro'n, may mga nabisita ako na mga kamag-anak, and then nagulat ako kasi lumabas ako sa Ligao City Now. So may mga comments doon na... natawa ako kasi may mga comments doon na hati eh, may mga masaya na I was there, na nakita nila ako at nakilala, natawa ako do'n sa isang comment na 'Kinakahiya ka namin na taga-dito ka, kasi nire-represent mo 'yong mga kabet," natatawang sabi ni Mercedes.

Dagdag pa ni Mercedes, may mga nakaka-engkuwentro naman siya na sinasabihan siyang gusto siyang sampalin bilang Lena, subalit hindi naman magawa dahil nasa TV siya. Ang ending, humihirit sila ng picture-taking kasama niya.

MAKI-BALITA: Mercedes Cabral, hinakot pagkabanas ng mga tao bilang kabet 

MAKI-BALITA: Cherry Pie Picache, kinaladkad at ipinahiya si Mercedes Cabral