December 23, 2024

Home BALITA National

Easterlies, nakaaapekto pa rin sa silangan ng Luzon, Visayas -- PAGASA

Easterlies, nakaaapekto pa rin sa silangan ng Luzon, Visayas -- PAGASA
Courtesy: PAGASA/FB

Patuloy pa ring nakaaapekto ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong Martes, Hulyo 9, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdudulot ang easterlies ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Visayas at Palawan.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, malaki rin ang tsansang magdudulot ang easterlies ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang mga pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms sa Bicol Region, Quezon, Aurora, Isabela, at Cagayan.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mga pag-ulan o thunderstorms din naman ang inaasahang mararanasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

Posible rin ang mga pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang namamataan ang PAGASA na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob man o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).