October 07, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Diana Zubiri, may ibinenta kay Boss Toyo na pinagpantasyahan ng kalalakihan noon

Diana Zubiri, may ibinenta kay Boss Toyo na pinagpantasyahan ng kalalakihan noon
Photo courtesy: Screenshot from Pinoy Pawnstars (YouTube)

Nagsadya ang dating sexy star at gumanap na "Sanggre Danaya" sa Encantadia na si Diana Zubiri sa "Pinoy Pawnstars" para magbenta ng ilang collectible items kay Boss Toyo.

Ang bitbit na collectible items ni Diana ay ilang kopya ng men's magazine kung saan naging cover girl siya noon. Dala rin niya ang ilang kopya ng CD na naglalaman ng kaniyang mga pelikulang senswal gaya ng "Catch Up" at "Liberated 2."

Si Diana ay isa nga sa mga masasabing certified "pantasya ng kalalakihan" noon.

Isa pa nga sa mga magazine ay kontrobersyal at muntik pa niyang ikademanda.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Matatandaang noong nagsisimula pa lamang siya ay pumosing siya habang nakabikini sa EDSA flyover.

Dahil dito, binalak siyang kasuhan ng noo'y Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos, Jr. ng grave scandal.

Hindi natuloy ang kaso dahil sa public apology niya.

Kuwento ni Diana, kumasa lamang siya sa dare ng manager niya noon kaya nagawa ang kontrobersiyal na posing.

Matapos ang ilang pambabatak ay nabili ni Boss Toyo ang mga dala-dalang items ni Diana sa halagang $400 o higit ₱20k, with matching autographs pa.

Sa tanong kung may pagsisisi ba siya sa pagpapa-sexy noon, sinabi ni Diana na walang pagsisisi sa kaniya dahil naging stepping stone niya ito para tuluyang mapasok ang showbiz.

Sa ngayon ay may sariling pamilya na si Diana na nakabase sa Australia.