October 06, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Wala raw pinapansin: Ivana Alawi, tsutsugihin na sa 'Batang Quiapo?'

Wala raw pinapansin: Ivana Alawi, tsutsugihin na sa 'Batang Quiapo?'
Photo Courtesy: Ivana Alawi (IG), ABS-CBN (FB)

Tila mawawala na rin daw ang karakter ni Kapamilya sexy actress Ivana Alawi na si “Bubbles’ primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Hulyo 8, inispluk ni showbiz columnist Cristy Fermin ang dahilan umano kung bakit mamamaalam na si Ivana.

“Nag-last shooting day na siya, last taping day na siya sa ‘Batang Quiapo.’ Shinonggal na si Ivana Alawi,” saad ni Cristy.

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Okay lang ‘yong pag-alis ‘di ba? Kung maganda ‘yong markang iiwanan. Kaso, mga taga-production talaga ang nagsasabi na ito pala ‘pag dumarating walang pinapansin. Dire-diretso raw doon sa kaniyang waiting area.”

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Segunda naman ng co-host niyang si Romel Chika: “Ang pangit ng gano’n ‘di ba, Nay? Dati kaya sila nagba-vlog para mapansin, mabigyan ng proyekto. 

“Ngayong nabigyan ng pagkakataon na….parang hindi sila nagiging masaya sa kinahihinatnan ng kanilang career,” dugtong pa niya.

Matatandaang kamakailan lang ay may namaalam din ang karakter nina Yce Navarro at Elijah Canlas sa naturang serye.
MAKI-BALITA: Pablo, namaalam na sa 'Batang Quiapo;' Camille, 'di pa rin nanganganak

Samantala, usap-usapan naman kamakailan ang GMA sexy actress na si Kim Domingo na tila magiging “bagong babae” raw ng karakter ni Coco Martin.

MAKI-BALITA: Bagong 'babae' sa buhay ni Coco Martin, si Kim Domingo?

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon kaugnay sa naturang isyu.