September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Skusta Clee, inurirat matapos engagement nina Zeinab at Ray Parks

Skusta Clee, inurirat matapos engagement nina Zeinab at Ray Parks
Photo Courtesy: Zeinab Harake, Skusta Clee (IG)

Pinuntahan ng mga netizen ang Instagram account ng singer-songwriter na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang “Skusta Clee” matapos ianunsiyo ng ex-jowa niyang si Zeinab Harake ang engagement nito sa basketbolistang si Bobby Ray Parks, Jr.

Sa latest Instagram post ni Skusta Clee kamakailan, makikita sa comment section ang pang-uurirat ng mga netizen sa kaniya.

Tila gusto nilang marinig o mabasa ang reaksiyon ni Skusta Clee hinggil sa bagong milestone sa buhay ni Zeinab sa kabila ng ginawa nito sa huli. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Huhuhu ung ex mo ikakasal na ikaw hindi parin nagbago"

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

"Maling tao para kay Z! Can't stop talaga si Lord pag siya na gumawa ng way para makahanap ng mabait at mahusay ang mga deserving na tao. "

"tinapos ni BRP ang usapan. mamokpok ka na ulit lods. deserve mo magkaolut ulit ‍"

"Scusta Anong ma say mo about zeinab at Ray engagement ang sinaktan mo non Masaya na ngayon!"

"Nag check after mapanood ang proposal ni Zeinab "

Matatandaang nagkahiwalay sina Zeinab at Skusta dahil sa cheating issue ng huli kahit mayroon na silang anak. 

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Daryl na ex ni Zeinab. 

MAKI-BALITA: Jelai, pinasalamatan si Ray Parks nang alukin ng kasal si Zeinab