July 22, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Shaina Magdayao, may nilinaw sa relasyon niya kay Piolo Pascual

Shaina Magdayao, may nilinaw sa relasyon niya kay Piolo Pascual
Photo Courtesy: Shaina Magdayao, Piolo Pascual (IG)

Nagbigay ng paglilinaw ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao kaugnay sa real-score nila ng kaniyang “Pamilya Sagrado” co-star na si Piolo Pascual.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Lunes, Hulyo 8, binalikan ni Shaina ang TV series na “Lobo” kung saan sila unang nagkatrabaho ni Piolo.

"We worked together when I was 17 in 'Lobo.' Siya 'yung first, siya 'yung first love scene ko, siya 'yung first kissing scene ko. So first ever mature role ko 'yun," lahad ni Shaina.

Pagkatapos ng ‘Lobo,’ nagkahiwalay silang dalawa ng landas sa mundo ng showbiz. Muli na lang silang nagkasama sa “On The Job” ni Erik Matti at sa isang pelikula ni award-winning director Lav Diaz.

Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

At ngayon na nagkasama ulit sila sa “Pamilya Sagrado,” tila nagkaroon daw ulit ng isa pang branch ang pagkakaibang nabuo noon sa kanila.

"I guess, 'yong friendship namin nagkaroon ulit ng isang branch. Kasi, 'di naman namin na-explore 'yong showbiz side. But, now, we can say na parang, okay, medyo nakapagtrabaho na kami,” aniya.

Dagdag pa niya: “Medyo makikilala n’yo ulit 'yung isa't isa sa kung paano 'yung discipline ng isa't isa with the craft.”

Pero paglilinaw ni Shaina, wala raw silang love angle bagama’t may mga bago silang natuklasan sa isa’t isa.

"Wala naman kaming love angle. Grabe kayo," sabi niya.

Matatandaang noong 2021 ay kumalat ang larawan nina Piolo at Shaina habang magkayakap, magkahawak-kamay, at isang eksena sa motorboat kung saan nakahiga si Piolo sa mga binti ni Shaina.

MAKI-BALITA: Limang taong 'exclusively dating' nina Piolo at Shaina, nauwi na ba sa espesyal na ugnayan?