September 19, 2024

Home SHOWBIZ Events

MJ Lastimosa, 'nilaro' matapos magkamali sa pagbanggit ng premyo

MJ Lastimosa, 'nilaro' matapos magkamali sa pagbanggit ng premyo
Photo courtesy: Screenshots from Bekis of Pageantry (FB)

Laugh trip ang hatid ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa nang magkamali siya sa pagbigkas ng premyo sa naganap na coronation night ng Binibining Pilipinas 2024 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City nitong Linggo ng gabi, Hulyo 7.

Isa nga sa mga nagsilbing host nito si MJ kasama ang iba pang Binibini Queens na sina Ruffa Gutierrez, Nicole Cordoves, Kylie Verzosa, at Catriona Gray.

Hindi naman nakaligtas sa mga netizen ang pagkakamali ni MJ nang banggitin niyang 500 pesos lang ang worth ng beauty products na mapapanalunan ng isa sa mga winner ng special awards.

"Our next special award is our Binibini Beauty Derm. She will go home with ₱150k cash prize plus ₱500 worth of Beauty Derm products," aniya.

Events

Righhhooouuurrr at Lena, ginawang endorser ng liempo

Nahagip din ng mga netizen ang reaksiyon dito ni Nicole.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa iba't ibang Facebook pages na "nilaro" na ito. 

"Nag-erratum siya HAHAHAHA. 500K daw. HAHAHAHA."

"SHUTA. MEME NA NAMAN ANG MGA ACCLA!"

"Si MJ talaga kahit kelan."

"May bagong memes na naman after ng 'everything.'"

"500 pesos dahil isang rejuv set lang daw hahaha"

"Shutaaaccaaaa talaga mareng MJ naloka si Nicole eihh."

Pero in fairness, bukod sa honest mistake na ito ni MJ, isa rin sa mga pinag-usapan sa kaniya ay ang ayaw pakabog niyang gown na inspired sa kaniyang national costume noong lumaban siya sa Miss Universe.

Ang mga nagwagi naman sa nabanggit na pageant ay sina  Myrna Esguerra na siyang itinanghal na Binibining Pilipinas International at si Jasmin Bungay bilang Binibining Pilipinas Si Christal Jean Dela Cruz naman ang first runner-up at si Trisha Martinez naman ay second runner-up.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, post, o pahayag si MJ tungkol dito.