September 19, 2024

Home BALITA National

Mayor Alice Guo, wala nang lusot kaya nagpapa-victim—Hontiveros

Mayor Alice Guo, wala nang lusot kaya nagpapa-victim—Hontiveros
PHOTOS COURTESY: SENATE PRIB

Naglabas ng pahayag si Senador Risa Hontiveros nang mabalitaang ayaw dumalo ni Suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa susunod na hearing dahil na-trauma raw ito ayon sa abogado nito.

Sa isang pahayag ng legal counsel ni Guo na si Atty. Stephen David nitong Lunes, Hulyo 8, mukhang hindi na raw kaya ni Guo na dumalo sa susunod na Senate hearing tungkol sa na-raid na POGO hub dulot umano ng trauma na naranasan nito. 

"Ang sabi niya mukhang hindi niya kaya dahil sa mga trauma na nararanasan niya. Mantakin mo naman sa dami ng mga binabatong alegasyon sa kanya tapos sinisigawan pa siya do'n. 'Yung stress level niya masyado nang mataas. Parang natu-trauma na siya kapag naririnig niya 'yung mga ganyang hearing eh," ani David.

Matatandaang naglabas na ng subpoena ang Senado laban kay Guo at nakatanggap din siya ng babala mula kina Hontiveros at Senador Win Gatchalian na maaari siyang ma-contempt at maaresto sakaling hindi pa siya dumalo sa pagdinig sa Senado.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, sinabi ni Hontiveros sa isang pahayag na dapat inisip daw muna ni Guo ang kahihinatnan ng pagsisinungaling at panloloko umano nito bago pa raw humanap sa Senado.

Dagdag pa ng senadora, hindi lang daw si Guo ang na-trauma kundi maging ang mga biktima ng human trafficking.

"Hindi lang siya ang traumatized. Ang mga human trafficking victims — mga dayuhan at mga Pilipinong pilit na pinagtrabaho sa POGO scam compounds — ang traumatized. Pati ang sambayanang Pilipino traumatized na may Chinese national na naging Mayor ng Pilipinas," ani Hontiveros.

"Mental health is important but she cannot invoke it to escape accountability, lalo na na public servant siya. She dug her own grave. We merely asked basic questions that any upright human being  could answer. Ngayong na wala na siyang lusot, nagpapa-victim siya," patutsada niya.

"If she doesn’t honor the subpoena, the Senate is well within its rights to issue an arrest order. Dumalo nalang siya sa hearing sa Miyerkules para wala nang drama," dagdag pa niya.

Sa huling bahagi ng pahayag, nagbigay-mensahe siya kay Guo.

"Mayor Alice Guo, the truth will give you peace of mind."

Mangyayari ang susunod na Senate hearing kaugnay sa POGO sa Miyerkules, Hulyo 10.

Kaugnay na mga Balita: 

NBI, kinumpirmang iisa lang si Alice Guo at Guo Hua Ping -- Hontiveros

Gatchalian sa tunay na pagkatao ni Mayor Alice Guo: 'Nalusutan tayo'