October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Luis, sinupalpal netizen na sumita sa paraan ng pagkarga ni Jessy kay Peanut

Luis, sinupalpal netizen na sumita sa paraan ng pagkarga ni Jessy kay Peanut
Photo courtesy: Luis Manzano (IG)/Jessy Mendiola (IG)

Hindi pinalagpas ng Kapamilya TV host na si Luis Manzano ang isang netizen na tumawag sa atensyon ng misis na si Jessy Mendiola-Manzano, sa paraan ng pagkarga nito sa kanilang anak na si Isabella Rose o "Peanut."

Nagbahagi kasi si Jessy ng ilang mga larawan nila ni Baby Peanut, at isa sa mga ito ay makikita ang paraan ng pagkarga niya sa anak nila ni Luis.

"My ," ani Jessy sa caption ng IG post.

"Truly grateful for the gift of family. Thank you, Lord. Sobrang saya ng puso ko. I love you both so so much @luckymanzano and @isabellarosemanzano ."

Tsika at Intriga

Barbie Imperial, banas sa pages na nega na nga, sinungaling pa!

"We love you Mama," komento naman ni Luis.

Sa comment section, isang netizen ang nagsabing huwag daw bitbitin o kargahin ni Jessy ang anak sa paraang ginawa nito sa larawan, dahil baka magkaroon ng bowleg (bow-legged) o pagkasakang si Peanut.

"Jess, don't carry her like that. She's going to have a bowleg." saad nito.

Hindi naman ito pinalagpas ni Luis.

"pag ganyan, itulog niyo nalang po," aniya.

Umani rin ito ng reaksiyon at komento mula sa netizens.

"mga puti (Australians) dito ganyan lahat mga kumarga ng bata… hindi naman totoo "

"ganyan po ang tama usually pag may carrier na gamit, kaya tama lang karga nila. "

"Daming pakialamera"

"not true i did it to my kid turn out straight, sometimes it's hereditary."