October 06, 2024

Home FEATURES Usapang Negosyo

Josh Mojica, hindi raw mayabang: 'I want to call it enthusiasm'

Josh Mojica, hindi raw mayabang: 'I want to call it enthusiasm'
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (IG), Josh Mojica (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang young entrepreneur na si Josh Mojica kaugnay sa komento ng marami na mayabang daw siya.

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz noong Sabado, Hulyo 6, itinama ni Josh ang terminong madalas na idinidikit sa pangalan at pagkatao niya.

“Mama Ogs, alam mo actually, I don’t think na mayabang po ‘yong term. I want to call it enthusiasm. Parang sobrang powerful po kasi ng enthusiasm, e,” saad ni Josh.

“Either negative or positive enthusiasm ‘yan kaya po niyang maka-influence ng maraming tao. Parang ang nangyayari po dahil sa sobrang clear ko, sa sobrang eager kong magsalita, sobrang sure ako sa mga sinasabi ko, nagtutunog mayabang po,” aniya.

Usapang Negosyo

From intern to CEO: Incoming CEO ng Nike, hinangaan sa kaniyang work experiences

Dagdag pa niya: “I want to call it enthusiasm because enthusiasm is one of the most important traits, necessary for leadership. And nakakatulong po siya sa akin sa business ko. “

Ito raw ang dahilan kaya marami sa mga larawan niya sa social media ay mukha siyang galit at laging seryoso. 

Nakakatulong daw ito sa disadvantage niya bilang isang batang negosyante na nangangasiwa ng mga tao na doble ang tanda kumpara sa kaniya.

Matatandaang nakilala si Josh dahil sa produkto niyang kangkong chips at sa mga motivational video niya sa social media.