September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Jelai, pinasalamatan si Ray Parks nang alukin ng kasal si Zeinab

Jelai, pinasalamatan si Ray Parks nang alukin ng kasal si Zeinab
Photo Courtesy: Zeinab Harake, Jelai Andres (IG)

Inanunsiyo ng social media personality na si Zeinab Harake ang engagement nila ng jowa niyang si Bobby Ray Parks, Jr. sa pamamagitan ng social media post.

Sa latest Instagram post ni Zeinab nitong Linggo, Hulyo 7, ibinahagi niya ang mga larawan kung saan makikita ang marriage proposal sa kaniya ni Ray.

“Y E S ” caption ni Zeinab

Kaya naman, masaya ang kaibigan at kapuwa social media personality ni Zeinab na si Jelai Andres para sa kanila ni Ray. 

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

“Thank you Daddy Ray sa pagpapasaya at pag alaga kay Z and to u Zizi omg sis magkakatotoo na yung sabi ko sayo noon na kung sakali ikakasal kayo magging korean ka e Omg Zeinab Parks ” komento ni Jelai.Dagdag pa niya: “Love u both! Sobrang happy ko sainyong dalawa! Congrats!”

Matatandaang parehong galing sa failed relationship sina Zeinab at Jelai dahil sa panloloko ‘di umano ng mga ex-jowa nilang sina Skusta Clee at Jon Gutierrez na kapuwa miyembro ng Ex Battalion.

Samantala, Mayo 2023 nang magsimulang pag-usapan ang real-score sa pagitan nina Zeinab at Ray matapos nilang maispatang magkasama sa mga larawan.

MAKI-BALITA: ‘Pumuntos ng 3 points?’ Basketbolista, ‘tinatrabaho’ si Zeinab