September 19, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bianca, pinaubaya si Ruru sa leading ladies niya: 'Kayo muna mag-alaga'

Bianca, pinaubaya si Ruru sa leading ladies niya: 'Kayo muna mag-alaga'

May bilin ang Kapuso star na si Bianca Umali para sa mga nakakatambal ng jowa niyang si Ruru Madrid sa mga proyekto nito sa pelikula man o telebisyon.

Ayon sa ulat ng GMA Integrated News noong Linggo, Hulyo 7, nausisa raw si Bianca sa taping ng bagong GMA Station ID tungkol sa mga leading lady ni Ruru.

“Actually ang masasabi ko sa kanila I hope that they enjoy working with Ruru and sana habang wala ako kayo muna ang mag-alaga sa aking pinakamamahal,” pahayag ni Bianca.

Dagdag pa niya: “Because I trust Ruru and he deserves wherever he is now.”

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Bukod pa rito, naitanong din daw kay Bianca kung posible raw ba siyang magkaroon ng cameo sa action series nitong “Black Rider.”

“Secret. Bakit hindi? Posibleng mangyari, posibleng hindi, pero posible rin,” aniya.

Matatandaang nauna nang nagbigay ng pahayag si Bianca nang ipakilala ang Vivamax sexy actress Angeli Khang bilang bagong love interest ni Ruru sa naturang serye. 

Pero bago pa man ito ay nakapareha na ng aktor ang aktres na si Yassi Pressman. 

MAKI-BALITA: Bianca Umali, ‘di nagseselos kay Angeli Khang