October 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bea Alonzo nakitang si Dominic Roque ang lalaking pakakasalan niya, pero anyare?

Bea Alonzo nakitang si Dominic Roque ang lalaking pakakasalan niya, pero anyare?
Photo courtesy: Bea Alonzo (IG)/Dominic Roque (IG) via Balita

Usap-usapan ang naging sagot ni Kapuso star Bea Alonzo sa panayam sa kaniya ng isang lifestyle magazine kamakailan, kung saan tampok siya bilang cover.

Natanong sa panayam ang tungkol sa naging hiwalayan nila ng fiance na si Dominic Roque na ilang buwan ding laman ng mga balita at intriga.

Sey ni Bea, nakita niyang si Dominic na ang lalaking pakakasalan niya subalit tila may iba raw plano ang Diyos para sa kanilang dalawa.

Natutuhan daw ni Bea na yakapin kung anuman ang mas mainam na plano sa kanila ng Panginoon.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Hindi na idinetalye ni Bea kung ano ba talaga ang nangyari sa relasyon nila ni Dom.

Matatandaang na-engage ang dalawa noong Hulyo 2023, subalit sa pagpasok ng 2024, umingay ang tsikang hindi na ito matutuloy.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!

Sa kalagitnaan ng Pebrero nang kumpirmahin ng dalawa na hindi na matutuloy ang kasalan, sa pamamagitan ng isang joint statement.