October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Jak Roberto, napapatiklop si Barbie Forteza

Jak Roberto, napapatiklop si Barbie Forteza
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Barbie Forteza (IG)

Inamin ng “That Kind of Love” star na si Barbie Forteza na kahit isa mayroon daw siyang pagka-alpha ay napapatiklop daw siya ng jowa niyang si Jak Roberto.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, sinabi ni Barbie na hindi raw siya naniniwala sa 7-year itch. Ito ay isang sikat na paniniwala na ang relasyon o marriage daw na umaabot sa pitong taon ay nawawalan ng saya o romansa.

“Ang laking factor po kasi na ang mature mag-handle ng relationship ni Jak. So, ‘yong ugali ko na-tolerate niya. Ako, feeling ko kasi, mayro’n akong pagka-alpha,” lahad ni Barbie.

“So, parang pagdating sa relationship namin, napapatiklop ako ni Jak, e. Hindi ko alam kung bakit pero parang gano’n. Kasi kapag po mayro’n kaming matter na pinag-uusapan. Ta’s parang as an alpha, feeling ko lagi tama ako,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Dagdag pa ng aktres: “Ta’s bigla niya akong kakalmahin muna. Hindi ‘yong sasabayan niya ‘yong level of emotion ko, kakalmahin muna niya ako, and then ipo-point niya ‘yong gusto niyang sabihin. Tapos mare-realize ko: ‘ay, oo nga ‘no.’”

Samantala, ayon naman kay Barbie, ang pinaka-challenging part naman ng kanilang relasyon sa loob ng pitong taon ay ang magkaroon ng quality time.

MAKI-BALITA: Barbie, Jak nawalan ng quality time dahil sa BarDa?