October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Angel, Lovi, Janine pinabayaan daw ng ABS-CBN nang lumipat; fans, dumipensa

Angel, Lovi, Janine pinabayaan daw ng ABS-CBN nang lumipat; fans, dumipensa
Photo courtesy: ABS-CBN (FB)

Nasa showbiz at social media hiatus man, trending sa X si Kapamilya star at tinaguriang "real-life Darna" na si Angel Locsin ngayong araw ng Sabado, Hulyo 6.

Trending si Angel dahil nag-react ang fans niya sa isang X post na nagsasabing hindi raw pababayaan ng GMA Network na umalis sa kanilang poder ang A-listers nilang sina Marian Rivera, Jennylyn Mercado, at Carla Abellana para hindi raw matulad kina Angel Locsin, Lovi Poe, at Janine Gutierrez na matapos lumundag at sumakabilang-network ay "nalaos" na raw.

Photo courtesy: X via Richard de Leon (Balita)

Ganito ang usapan sa X dahil sa trending na "Widows' War" nina Bea Alonzo at Carla Abellana na magmula sa pilot episode noong Hulyo 1 ay hindi nawawala sa trending list ng X, at patuloy na umaani ng papuri at komendasyon mula sa mga netizen at manonood.

Photo courtesy: @JRDimacalinta (X)

Mababasa sa X post ng netizen, "GMA wouldn't let Marian Rivera, Jennylyn Mercado and Carla Abellana to sign to ABS-CBN. They would possibly lose their biggest bankable stars. And of course, they would learn their lesson on how ABS-CBN failed Angel Locsin, Lovi Poe and Janine Gutierrez."

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Kaya naman, pumalag dito ang fans nina Angel, Lovi, at Janine. Anila, nang lumipat daw ang tatlo ay mas nahasa pa ang acting skills nila dahil sa husay sa paghasa ng talento ng Kapamilya Network.

Pero katwiran naman ng Kapuso fans, matagal nang mahusay sa aktingan at sikat ang tatlo nang lumipat ito sa pimakamahigpit na kalaban ng Kapuso Network.

Narito ang ilan sa mga kuda at hanash ng netizens:

"Angel, Lovie, Janine became REAL ACTORS when they transferred to ABS. More mature roles form tv and films and more global reach.."

"Nah, Lovi and Janine were already 'real' actors even before they transferred. In case you forget, they had already won FAMAS best actress award even before they joined Kapamilya. However, I have to agree with the idea of them taking on more mature roles, especially Janine."

"Ha? Angel Locsin turned into a bankable ACTRESS in ABS. She just decided to rest after her marriage it is a personal decision same with Lovi while Janine just finished Dirty Linen and incoming teleserye Lavender Fields soon. ABS knows how to handle their talents well."

"Wait lang Pano naging failed? Angel Locsin failed? Movie and Seryes? Lovi Poe as Mokang household name

Janine as Alexa household name din. ANUE NUAH TWEH!???"

"For me, totoo naman, Nang lumipat si Angel, oo may mga projects siya sa ABS pero hindi na kasing-tunog ang name niya unlike noong nasa GMA siya, na siya talaga ang reyna. Tapos si Lovi nasaan na ba siya ngayon? Janine, good to know na may Lavender Fields siya soon."

"Aminin na natin, hindi lahat ng lumilipat ng network eh nasusustain ang kasikatan nila."

Si Angel, sa pamamayagpag ng karera sa GMA, ay lumipat sa ABS-CBN noong 2007. Sa poder ng Kapamilya Network ay nakagawa siya ng mga serye gaya ng "Lobo," "The Legal Wife," at "The General's Daughter." Naging bahagi rin siya ng pelikula ng Star Cinema na isa sa mga tumatak na pelikula, ang "Four Sisters and a Wedding" kasama sina Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, Enchong Dee, at Bea Alonzo.

Isa rin si Angel sa mga nanindigan at nakipaglaban para sa estasyon sa kasagsagan ng isyu sa franchise renewal nito noong 2020. 

Noong 2021 naman ay lumipat si Lovi sa ABS-CBN at nakagawa ng proyektong "Flower of Evil," naging bahagi ng "ASAP Natin 'To," at "FPJ's Batang Quiapo." Nawala siya sa serye upang bigyang-tuon ang kaniyang buhay may-asawa matapos ikasal noong 2023 sa afam na boyfriend. 

Sa parehong taon ay lumipat din si Janine at nabigyan agad ng serye katambal si Paulo Avelino, ang "Marry Me Marry You" kasama ang isa pang Kapuso-turned-Kapamilya na si Sunshine Dizon. Pagkatapos nito ay napabilang din siya sa hit seryeng "Dirty Linen." Naging host din siya ng ASAP. At ngayong 2024, kabilang siya sa seryeng "Lavender Fields" kasama sina Jodi Sta. Maria, Jolina Magdangal, at Jericho Rosales kabilang din ang veteran stars na sina Edu Manzano, Albert Martinez, at Diamond Star Maricel Soriano.