October 05, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Pablo, namaalam na sa 'Batang Quiapo;' Camille, 'di pa rin nanganganak

Pablo, namaalam na sa 'Batang Quiapo;' Camille, 'di pa rin nanganganak
Photo Courtesy: Dreamscape Entertainement (FB), Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT)

Namaalam na ang karakter ni “Pablo” na ginagampanan ng aktor na si Elijah Canlas sa primetime TV series na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa Instagram post ng Dreamscape Entertainment nitong Huwebes, Hulyo 4, nagpaabot sila ng pasasalamat sila kay Elijah.

“Maraming salamat, Elijah Canlas (@elijahcanlas) sa pagiging bahagi ng FPJ’s Batang Quiapo. Hanggang sa muli, Pablo!” saad sa caption.

Komento naman ni Elijah: “maraming salamat din po! ”

Teleserye

'Nakakagigil talaga!' McCoy De Leon, nagawa pang mag-picture bago magnakaw

Sa pag-exit ni Elijah sa naturang serye, hindi naiwasan ng ilang netizen na ungkating muli ang panganganak ng karakter ni Yuki Takahashi na si “Camille” na nabuntis ni “David,” karakter na ginagampanan ni McCoy De Leon. Narito ang ilang komento ng netizens:

"C camille kailn ba manganganak "

"nauna pa namatay si pablo bago manganak si camille"

"Ang inaabangan talaga namin kelan manganganak si Camille "

"Si Camille inaabangan ko kailangan sya mag labour baka and end na overdue na ung bata di kasi sya ngpa ultrasound at walng gender reveal baka ang ending mauna pa si Lena kasi premature sakaka stress nya sa sarili nya..."

Samantala, bukod kay Elijah, kasama rin niyang mamaalam ang karakter ni Yce Navarro na si “Ruben.”

MAKI-BALITA: 'Camille' ng Batang Quiapo, mag-isang taon nang buntis: 'Paanakin n'yo na!'