October 05, 2024

Home SHOWBIZ

'Nonchalant' na mga anak ni Melai, endorser na ng isang clothing brand

'Nonchalant' na mga anak ni Melai, endorser na ng isang clothing brand
photos courtesy: Moose Gear Kids, Star Magic via Melai Cantiveros/IG

Tila nag-uumapaw ang blessings sa pamilya ni Melai Cantiveros dahil ngayon ay endorser na rin ng isang clothing brand ang mga anak niyang sina Mela at Stella! 

Ibinahagi ito ni Melai sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Hulyo 5.

"Yesyeyses ang Aking mga Non Challant na mga anak nga ang Official Ambassadors ng @moosegearkids Oh Dba nagreact kayu sa Non Challant?? Hehheh Char lang xmpre kabaliktaran hahahahah , Congrats mga lablab naku na mga bebelabs My Ate Mela and my Baby Stela You both Nailed it sa Pictorial mga mahals , and Very good kayu.

"Thank you Moose Gear Family for trusting our Chicken Nuggets," saad ni Melai sa caption.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Nag-congratulate naman ang mga netizen sa dalawang chicken nuggets ni 'Kuantie' Melai.

Mapapanood din si Melai sa bago niyang Visayan talk show na "Kuan-On-One," na inilalabas sa YouTube ng ABS-CBN Entertainment.